Wednesday, November 27, 2013

TAGUMPAY NA WALANG HALAGA

Kahapon, sinimulan nating talakayin ang katangian ng bigo, malungkot at pangit na buhay. Pangit ang buhay kung gagawin mo ngang pangit ang iyong buhay. Marami sa atin ang hinahayaan na lang manatili ang mga alalahanin at mga suliranin sapagkat, gustuhin man nila o hindi, nasanay na sila sa pamumuhay na bigo, malungkot, at pangit.



Narito pa ang ilang tip upang papangitin ang buhay. Kung ayaw mong pumangit ang iyong buhay, gawin mo lamang ang kabaligtaran.



  • Walang halaga ang tagumpay. – Ano ba ang kahulugan ng tagumpay para sa iyo? Masasabi mong nagtagumpay ka kung iyong natamo ang iyong minimithing magandang buhay sa kabila ng mga panganib, pangamba, at mga pagdurusa. Nagsisikap tayo upang makamit ang tagumpay. Ang iba ay naghihintay na lamang ng pagkakataon upang magtagumpay; agad naman natamo ng iba ang tagumpay dahil may mga tumulong sa kanila. Nagtagumpay ka kung nagagawa mo na ang iyong gusto at may ibinubunga itong maganda sa iyong career at pamilya.


  • Dahil gusto mo ang pangit na buhay, wala ka nang pakialam kung ikaw ay magtatagumpay pa. Tama na sa iyo ang katiting na trabaho sa katiting na kinikita. Mas masaya nga ang kakaunti lang ang ginagawa.



  • Magpaalipin ka sa iyong takot. – Normal lamang na makadama tayo ng pangamba o takot at nangungusap iyon sa atin. Kung natatakot tayong gawin ang isang bagay, sinusubukan pa rin nating gawin iyon. Maaaring hindi na dumating ang magandang oportunidad na iyon kaya ginagawa pa rin natin ang bagay na ating pinangangambahang gawin.


Sapagkat gusto mo ng pangit na buhay, magpaalipin ka sa iyong takot. Huwag mo nang gawin ang isang bagay na matagalo mo nang pinagplanuhang gawin dahil natatakot ka. Huwag ka nang sumubok; ni ang hawakan ito ay huwag mong gawin. Puwede ka namang gumawa ng ibang bagay, di ba? Mas masaya nga wala kang alam kung magtatagumpay ka o hindi sa binalak mong gawin.


Tatapusin sa susunod na issue, promise.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



TAGUMPAY NA WALANG HALAGA


No comments:

Post a Comment