HINOLDAP ng tatlong armadong lalaki ang siyam na pasahero ng isang air conditioned bus na biyaheng Malanday-Cavite makaraang magpanggap ang mga ito na pasahero kaninang madaling-araw sa Pasay City.
Sa ulat ni PO2 Catalino Gazmen, Jr., tinatahak ng Malanday Metro Link Bus (TVX-692) ang kahabaan ng Roxas Boulevard patungo sa gawi ng Baclaran nang mag-anunsiyo ng holdap ang mga armadong suspek.
Tinutukan ng baril ng isa ang driver ng bus na si Joseph Redera habang dalawa sa kanyang mga kasamahan ang isa-isang sinamsam ang salapi, cellphone at iba pang personal na gamit ng mga pasahero na karamihan ay pawang mga call center agent.
Matapos ang pangungulimbat, bumaba ang mga suspek sa paanan ng flyover sa Baclaran area at nagtakbuhan patungo sa hindi nabatid na lugar, bitbit ang kanilang mga armas at nakulimbat sa mga pasahero.
Nakilala naman ng isa sa mga biktima na si Lexdel Espinosa, 39 ng Imus, Cavite ang isa sa tatlong suspek na si Efren Baltazar y Vergara na umano’y nauna nang naaresto ng pulisya at nakulong sa Pasay police station sa kaso ring panghoholdap.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang mahuli ang mga suspek.
The post Metro Link Bus hinoldap ng 3 sa Pasay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment