Asam ng Billiards and Sports Congress of the Philippines (BSCP) at Philippine Judo Federation (PJF) na mag-uwi ng tig-limang gintong medalya sa paglahok sa 27th Southeast Asian Games sa Nay Pyi Taw, Myanmar sa Disyembre 11 hanggang 22.
Sinabi ni 2-time World 10-Ball champion Rubilen Amit na nakatuon ang Philippine billiards team sa pag-uwi ng gintong medalya sa men’s at women’s 8-Ball at 10-Ball, gayundin sa carom.
Makakasama ni Amit, unang dalawang beses nakapagwagi ng korona sa World 10-Ball, ang 2011 SEA Games 8-Ball at 9-Ball gold medalist na si Iris Ranola sa kababaihan.
Ipiprisinta naman ng multi-tilted na si Dennis Orcollo ang bansa sa 8-Ball habang si Carlo Biado sa 10-Ball. Si Francisco dela Cruz ay lalaban sa carom.
Ito din ang asam ng siyam kataong koponan ng judo na sasagupa sa disiplina na may nakatayang 18 ginto.
Sasagupa para sa bansa sina 2011 Indonesia SEAG gold medalist Nancy Quillotes-Lucero sa 45kg, Kyumi Watanabe sa 66kg, Helen Dawa sa 48kg, Jelu Mosqueda sa 57 kg at Ruth Dugaduga sa 78kg sa women’s division.
Ang men’s team ay binubuo naman nina Ryan Quillotes sa 60kg, Gilbert Ramirez sa 73kg, Dennis Catipon sa 66kg at Andrew Gumola sa 90kg. – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment