Saturday, November 30, 2013

Pati pagngiti’y iniintriga!

INIAALAY raw ni Coco Martin ang kanyang napanalunang award bilang Best Actor sa fantaseryeng Juan dela Cruz sa nakaraang 27th Star Awards for TV sa mga biktima ng bagyo. Yes, Dionisia, wala ring linaw kung ang kanyang tropeo ang ihahatag sa mga typhoon victim sa Visayas o meron pang money involved.


Halos karamihan naman kasi ng mga personalidad na pinapalad manalo sa kanilang mga larangan, ito ang namumutawi sa kanilang mga bibig. Si Ariella Arida na nakamtan niya ang 3rd place sa nakaraang Miss Universe na ginanap sa Russia, nag-alay rin ng kanyang karangalan at ang boxer na si Donito Donaire gayundin ang kanyang sinabi. Nitong huli, ang ating Pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao, ido-donate sana niya ang kanyang cash na panalo sa boksing na ginanap sa Macau, China.


Anyway, dahil ginipit siya ng gobyerno ng Pilipinas gawa ng pag-frozen ng kanyang mga asset, ipinangutang daw nito ang pera at mga goods na inihahatag sa mga nasalanta ng kalamidad.


Sinusulat namin itong aming kolum, nakarating na ito sa Tacloban na unang makakatanggap ng kanyang mga donasyon, kasunod ang Samar, Bohol, Cebu, Negros at Panay. Silang mag-anak na mismo ang mamamahagi. Salamat Manny. Saludo kami sa inyo.


Inuna muna niya ang kanyang mga kababayan kaysa sa kanyang sariling tahanan na nasira rin ng bagyong Yolanda. Kahit anong sabihing paninira at pangungutya sa maganda at mabait na Congresswoman Lucy Torres-Gomez ay nakangiti pa rin ito.

Sa kanyang pagngiti ay naintriga pa siya at binigyan ng masamang kahulugan. Pinalilitaw na in spite of the calamity ay nakukuha pa raw ngumiti ng magandang misis ni Richard. Madre Mia! Ano ang gusto ninyo, maglupasay at umatungal dahil marami ang binawian ng buhay at marami ang nagugutom at giniginaw sa lamig? Nakangiti si Lucy dahil dumarating na ang mga goods na bigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Iyon lang ‘yon.


Naging bad influence tuloy sa mga bata. Heto ang isang commercial sa TV na hindi nagustuhan ni Aling Rosenda ay itong isang klase ng sabong panlaba na matagal nang hindi nakikita rito sa ating bansa. Nagngingitngit siya kasi raw ginaya ng kanyang anak na nasa grade two. Heto ang story board ng advertisement ng mag-inang Carmina Villaroel, “Sige lang anak. Kung iyan ang ikabubuti ay dumihan mo na. Sagot ng anak, “Bago ang shoes ko mommy.”

Ay, santisima trinidad! Inapakan na nga ang bagong shoes ng kanyang anak na puno ng putik at lalabhan na lang pagkatapos maglaro.


Ginaya naman ng anak ni Aling Rosenda nang dumihan ang sapatos. Ngitngit ng pitong atsay, hindi pumuti ang rubber shoes. Bagkus, naging medium brown. Hahahaha! Ciao Bambino!


The post Pati pagngiti’y iniintriga! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pati pagngiti’y iniintriga!


No comments:

Post a Comment