KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi mapapabilang sa mga nakatambak na kaso ang paglutang ng pangalan ni dating Muntinlupa Cong. at ngayon ay Bureau of Customs Commissioner Rodolfo Biazon at 33 mambabatas na kasama sa second batch na sinampahan ng Justice Department ng kasong malversation of public funds, direct bribery at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act law hinggil sa maling paggamit ng pork barrel fund.
Malinaw sa panig ni Pangulong Benigno Aquino III na panghawakan ang mga salitang “you go where the evidence takes you”.
“We have always said that there is no partiality. I think that has been repeated, not just by the President, but by the investigators themselves, by the Secretary of Justice. And, you know, people will interpret things according to how they see it but these are the facts. I understand that the Ombudsman has also made public statements to the effect that they’re aware of the import of the cases that have been filed before them, and that they are also moving with the utmost dispatch on this,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.
Mayroon aniyang proseso na dapat sundin kaya nga ganun na lang ang ginagawang paghahanda ng Ombudsman sa usaping ito.
Okay lang sa Malakanyang kung walang senador na nakasama sa mga nasampahan ng Justice Department hinggil sa maling paggamit ng pork barrel.
Kumpiyansa naman ang Malakanyang na hindi mapapabilang sa mga natambak na kaso ang paglutang ng pangalan ni Biazon sa second batch na nasampahan ng kaso.
Mayroon aniyang proseso na dapat na sundin kaya nga ganun na lang ang ginagawang paghahanda ng Ombudsman sa usaping ito.
The post Malakanyang kumpiyansa na hindi mapapasama sa nakatambak na kasong isinampa sa BoC Comm. appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment