Wednesday, November 27, 2013

Bidding sa LRT Cavite extension, ikinasa na

Matapos makuha ang desisyon ng National Economic Development Authority (NEDA) Board na luwagan ang patakaran at panuntunan sa public-private partnership, inihayag ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na buksan ang bidding sa Light Rail Transit-Cavite extension project sa ikalawang bahagdan ng 2014.



Ipinabatid ng DoTC na target nilang ilabas sa pahayagan ang invitation to bid sa Disyembre.


“This timeline is meant to foster competitive bids. We believe that the improved terms will attract more players, who will need a reasonable period to study the project and prepare their proposals,” pahayag ni DoTC Spokesperson Michael Arthur Sagcal.


Ipinabatid ni Sagcal na kabilang sa mas pinagandang patakaran at panuntunan ang pag-ako ng gobyerno sa bayaring real property tax, pagpasan sa anumang hindi inaasahang dagdag na power rates at pagtanggap ng negative bids.


Itinaas din ng NEDA Board sa P64.9 bilyon ang halaga ng proyekto, iniulat pa ni Sagcal. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bidding sa LRT Cavite extension, ikinasa na


No comments:

Post a Comment