Thursday, November 28, 2013

Hamon kay Pacman, dokumento ilabas sa BIR, wag sa media

HINAMON ni Pangulong Benigno Aquino III ang Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao na patunayan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at hindi sa media na ginawa niya ang tama sa pagbabayad ng kanyang buwis.


Sa isang panayam, sinabi ng Pangulong Aquino na wala namang magiging problema sa kampo ng mambabatas kung susundin lamang ang mga kahilingan ng BIR at hindi iyong sa media siya naglalahad ng kanyang saloobin.


“So if he has—if he did right, then I’m sure he will be able to prove that he did right, and therefore there is no issue. So the way to settle it is to answer all of these queries by the BIR and not to engage in a media war. The media will not decide who is right or wrong, ‘di ba? It will be our courts eventually, if it gets to that, who will decide. But, again, the process has been two years,” ani Pangulong Aquino.


Nauna rito, sumigaw naman ng “foul” si Pacman sa panggigipit sa kanya ng pamahalaan matapos magpalabas ng freeze order ang BIR sa kanyang mga bank accounts hangga’t naisusumite ang dokumentong hinihingi ng BIR at hindi nagbabayad ng tamang buwis.


The post Hamon kay Pacman, dokumento ilabas sa BIR, wag sa media appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hamon kay Pacman, dokumento ilabas sa BIR, wag sa media


No comments:

Post a Comment