Friday, November 29, 2013

4,800 illegal OFW, umuwi mula Saudi

Umabot sa mahigit 4,800 illegal overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia ang napauwi ng gobyerno ng Pilipinas kasunod ng pagpapatuloy sa pagtutugis sa mga hindi dokumentadong dayuhang manggagawa kaugnay sa “Saudization” policy.



Inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez may kabuuang 4,875 Pilipino ang nakauwi na ng Pilipinas kabilang ang huling batch na 105 kababayan noong Nobyembre 21 at 23.


Ayon sa DFA, patuloy ang pagalalay ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Konsulado sa Jeddah sa mga apektadong Pinoy upang maayos ang kanilang mga dokumento at mapabilis ang kanilang repatriation.


Noong Nobyembre 3, sa pagtatapos ng palugit sa amnesty, pinaigting ng Saudi authorities ang pagtugis sa mga illegal foreign worker — sinusuyod ang lahat ng mga establisimiyento, kumpanya at nagbabahay-bahay.


Nilinaw ng DFA na simula nang ituloy ng Saudi government ang crackdown, wala pang undocumented OFW ang inaresto at nakakulong sa mga detention facility sa Saudi Arabia. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



4,800 illegal OFW, umuwi mula Saudi


No comments:

Post a Comment