Thursday, November 28, 2013

ECONOMIC REGULATORY FRAMEWORK STUDY ISINAGAWA NG NWRB AT WB

ISINAGAWA kamakailan ng National Water Resources Board (NWRB) sa pakikipag-ugnayan ng World Bank (WB), ang isang pag-aaral tungkol sa “Proposed Economic Regulatory Framework” sa pamamagitan ng technical assistance mula sa Expanded Small Water Utilities Improvement and Financing Project – Phase 2.


Layunin ng naturang proyekto na bigyan ng pamantayan ang iba’t ibang water utility at bumuo ng naaangkop na economic regulatory framework pati na rin ang tariff methodology para sa iba pang mga pamantayan.


Sinabi ni NWRB OIC Executive Director Elenito M. Bagalihog na ang pag-aaral tungkol sa ipinanukalang economic regulation ay batay sa rekomendasyon ng IPA Energy + Water Economics Ltd. (IPA) na itinalaga ng WB na suportahan ang NWRB sa pagpaparehistro at regulasyon ng mga water service provider (WSP). Sinabi rin niya na nirekomenda ng IPA ang isang higit na makatotohanang medium-term target para ipagpatuloy ng Water Utilities Division ng NWRB ang tungkulin nito na nauugnay sa economic regulation ng mga WSP at gampanan ang pananagutan sa ibang Level III WSP.


Kinilala ng IPA ang preferred long-term option para sa economic regulation na maghihiwalay sa mga responsibilidad ng economic regulatory sa likas na yaman o kalikasan. Iminungkahi rin ang aangkop na graduated approach to regulation.


Sasailalim sa isang joint review ng draft report ng proposed economic regulatory framework ang WB at NWRB bago ang presentasyon nito sa mga stakeholder. Sinimulan ang pag-aaral nitong 2013 at inaasahang matatapos sa 2015.


-ooo-


Happy happy birthday to the employess of NWRB! Birthday celebrants for the month of November 2013: Executive Director Atty. Elenito Bagalihog, Rizza dela Cruz, Belen Tormon, Erlinda Rizo, Margret Bayhon, Avecita Garcia, Fe Bagba, Mary Jane Dominguez, Juan Corpuz Jr., Cornelio Alcantara Jr., Felisa Manlulu, Ma. Isabel Nofuente, Jarick Mar Gubi at Maricel Morales.


The post ECONOMIC REGULATORY FRAMEWORK STUDY ISINAGAWA NG NWRB AT WB appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ECONOMIC REGULATORY FRAMEWORK STUDY ISINAGAWA NG NWRB AT WB


No comments:

Post a Comment