Thursday, November 28, 2013

Pinas uutang sa ADB at WB para sa rehabilitasyon

KINUMPIRMA ni Budget Secretary Butch Abad na ipangungutang ng Pilipinas ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga sinalanta ng kalamidad.


Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi ng kalihim na nangako na ang World Bank ng $980 milyong pautang.


Ang Asian Development Bank (ADB) naman ay magpapahiram ng $500 milyon bukod pa sa $23 milyong grant.


Nauna nang ipinaliwanag ni Abad na: “‘Yung ADB, nangako na siya ng $23 million grant at ‘yung $3 million doon naibigay na pero ‘yung iba, ibibigay pa. At nangako rin sila na next year bibigyan nila tayo ng $500 million very concessional loan, ‘yun next year pa…Ganun din ang World Bank, $980 million very concessional loan.”


Sa kabuuan, aabot sa P66 bilyon ang makukuha ng bansa batay sa kasalukuyang palitan ng piso.


Pagtiyak naman ng kalihim, maluwag ang termino ng dalawang higanteng bangko sa ipahihiram na halaga sa Pilipinas. Ang utang sa World Bank ay maaaring bayaran sa loob ng 32 taon.


Magdaraos pa ng pledging session ang pamahalaan sa Disyembre para makakalap ng dagdag na pautang at grant para sa mga biktima ng mga bagyo, lindol sa Bohol at krisis sa Zamboanga City.


The post Pinas uutang sa ADB at WB para sa rehabilitasyon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinas uutang sa ADB at WB para sa rehabilitasyon


No comments:

Post a Comment