Friday, November 29, 2013

ISINALANG SI PACQUIAO AT SUGAL SA MANDALUYONG

KAUGNAY sa “left hook” ni BIR Comm. Kim Jacinto Henares kung saan hindi lang si Manny Pacquiao ang nasaktan, kundi maging si Mommy Dionesia ay kasamang na-upper cut, iba ang nasilip nating anggulo. Dahil hindi tayo naniniwala sa ibinida ni Ms. Henares na hindi niya pinepersonal si Pacman kung bakit na-freeze ang assets ng Pambansang Kamao.


Dahil kung totoong “buwis” lang ang pinagnanasaan niyang makulimbat, este, makuha ng gobyerno, bakit kay Pacman lang niya ito ginawa? Bakit kina Lucio Tan noon at sa napakaraming mayayaman na may problema sa buwis ay hindi nangyari ang gaya ng sinapit ni Pacquiao?


Sa simpleng pananaw, naaaninag natin, parekoy, na medyo mahapdi na ang kaliwa’t kanang banat lalo na sa social media kina PNoy at sa kanyang “panabong” sa 2016 na si SILG Mar Roxas. Na para epektibong mai-divert kahit papaano ang isyu ay kailangang patikimin ng kombinasyon si Pacman upang ito naman ang pag-usapan sa buong mundo.


Dahil medyo kakain muna ng kaunting panahon sa atensyon ng taumbayan ang suntukan nina Pacman at Taxwoman! Aabutan din ito ng hambalusan sa Senado nina “lolo at lola”.


Nakahilera pa ang ligalidad ng DAP at ang mga kakasuhan pa sa PDAF scam. Hanggang sa makalimutan na ang usapin kay “Yolanda”.

King-ina!


-o0o-


Mula nang sunod-sunod na hinalibas dito sa Burdado ang iligal na sugal nina Chris at Rose sa Mandaluyong City, may isang “matandang orbitero” ang lihim pala na nagngingitngit sa atin. Huwag kang mag-alala, parekoy, hangga’t hindi ako napupundi ay hindi ko na muna papansinin ang mga panghaharbat mo gamit ang mismong PNP!


Balikan natin itong “lotteng” ng “magsing-irog” na sina Chris at Rose na ngayon ay talamak at lantaran sa mismong “tungki” ng ilong ni Mayor Benhur Abalos.


Gaano ba talaga kalaki ang pakinabang mo, yorme, dito kina Chris at Rose, bakit bahag ang buntot mo na iparatsada ang mga iligalistang ito sa iyong lugar? Ha? Totoo ba, mayor, na malaking halaga ang itinulong nila sa iyong kandidatura?

Baka naman mangungudngod ang iyong political career sa isyu ng sugal?


Opps, tinatawagan natin ang pansin ni PNP Chief, Dir. General Alan Purisima, mukhang tahimik lang sir ang tinatawag ninyong “all take policy”, ah! Hindi mo ba kayang ipaaresto ang mga ‘yan? Idamay mo na rin ang kanilang “protektor” na orbitero! Hak, hak!


The post ISINALANG SI PACQUIAO AT SUGAL SA MANDALUYONG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ISINALANG SI PACQUIAO AT SUGAL SA MANDALUYONG


No comments:

Post a Comment