Friday, November 29, 2013

Lalaking nakitulog sa kaanak, binangungot tigok

TIGOK ang isang lalaking nakitulog sa kaanak matapos bangungutin sa Valenzuela City Huwebes ng gabi, Nobyembre 28.


Hindi na nagising si Rodrigo Ramos, 41, ng Talavera, Nueva Ecija.


Sa ulat, dumalaw ang biktima sa kaanak sa F. Bautista St., Marulas at doon na nakitulog.


Alas-9:45 ng gabi, nagising ang ka-live-in ng biktima na si Aniceta de Castro dahil sa lakas ng hilik ni Ramos na katabing natutulog na naging dahilan upang gisingin subalit hindi nagmulat ng mata ang lalaki hanggang sa tumigil sa paghihilik.


Itinuloy na lang ni De Castro ang pagtulog subalit makalipas ang ilang sandali ay muling nagising at nang pagmasdan ang ka-live-in ay hindi na humihinga.


Sinubukang gisingin ni De Castro ang biktima hanggang sa kagatin na ng una ang mga daliri ng huli subalit walang reaksiyon.


Nagising na ang mga kaanak ng biktima at pinagtulungan gisingin si Ramos subalit makalipas ang ilang oras ay hindi na nagising.


Ipinalaam ng mga kaanak ng biktima ang pangyayari kung saan inaalam na ang sanhi ng pagkamatay ni Ramos.


The post Lalaking nakitulog sa kaanak, binangungot tigok appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaking nakitulog sa kaanak, binangungot tigok


No comments:

Post a Comment