Thursday, November 28, 2013

Pacman walang 2009 US tax declaration – BIR

PINANINDIGAN ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares na walang idineklarang kita si Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa Amerika noong 2009.


Ani Henares, walang maisumiteng dokumento si Pacman sa Internal Revenue Service (IRS) kaya aabot sa P1 bilyon ang dapat niyang bayarang buwis.


Lumobo pa ito sa P2.2 bilyon dahil sa interes at surcharge.


Matatandaang iginiit ng kampo ni Pacman na nagsumite sila ng kopya ng naturang dokumento.


Gayunman, original o certified true copy ang hinihingi ni Henares at wala rin silang kopya ng sinasabing dokumento.


Payo ni Henares sa Pinoy Champ, kausapin ang kanyang mga abogado at accountant upang maayos ito sa lalong madaling panahon.


Sa ngayon ay hindi pa nakikipag-usap sa kanila ang kampo ni Pacquiao, ngunit pwede aniyang hulugan ang nasabing kakulangang buwis sa loob ng anim na buwan.


Kung walang makikipag-ugnayan sa kanila ay mapipilitan silang magsampa ng tax evasion case laban sa Pinoy boxing icon.


Nagpalabas na ang BIR ng garnishment order sa bank assets ni Pacquiao.


Pansamantalang kinuhang kolateral ng ahensya ang bahay ni Pacman sa Forbes Park na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P400 million.


The post Pacman walang 2009 US tax declaration – BIR appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacman walang 2009 US tax declaration – BIR


No comments:

Post a Comment