AARANGKADA ngayong araw ang sariling humanitarian caravan ng Philippine National Police (PNP) sa Tacloban, Leyte, tatlong linggo matapos ang pagtama ni “Yolanda”.
Sinabi ni PNP-Public Information Office (PIO) Chief Reuben Theodore Sindac na kargado ng caravan ang tulong na pinansyal, materyales sa pagtatayo ng bahay at iba pang ayuda.
May magandang balita rin ang pamunuan ng PNP sa mga pulis na binagyo.
“Yung Christmas bonus at cash gift, ibibigay na riyan sa Region 8. Sila ang unang makakatanggap ng kanilang mid-year, Christmas bonus at cash gift,” pahayag ni Sindac.
Pangungunahan ni Interior Sec. Mar Roxas at PNP Chief Alan Purisima ang naturang caravan kaagapay ang mga regional director sa lugar.
Tuloy-tuloy naman sa ngayon ang stress debriefing sa mga pulis sa mga sinalantang lalawigan at ayuda sa mga ito.
The post Mga pulis sa Region 8 na sinalanta ng ‘Yolanda’ unang tatanggap ng bonus appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment