SA buhay, may mga pagkakataon na kinakailangan nating bitiwan ang mga bagay na hawak na natin para maabot ang ating mga pangarap, subalit maaari rin naman nating hawakan ng sabay ang dalawa gaya ng ginawa ni Nomer Adona, ang arkitektong guro ng Vietnam.
Pagiging arkitekto ang karerang tinahak ni Nomer noong siya ay nasa Pilipinas. Ayon sa kanya, sa isang Malaysian company siya dating namamasukan.
Taong 1991 ay ipinadala siya sa Vietnam ng kompanyang kanyang pinapasukan para sa isang proyekto.
“Isang strategic development, trabaho naming planuhin kung saan dapat tumira ang mga Vietnamese at anong area ang pasyalan. Saan ‘yung tourism area at saan ‘yung residential area. Strategic planning ang tawag doon,” kuwento niya.
Sa isang special project kung saan ay naatasan siyang mag-design ng playground ng isang international school sa Hanoi, Vietnam, ay nabuksan sa kanya ang oportunidad na magkaroon ng bagong trabaho bilang guro sa nasabing bansa.
“May dinesign ako sa kanila na playground, walang bayad ‘yon. Tinulungan ko lang sila, nagustuhan nila, tapos nagkaroon ng opening para sa teacher,” salaysay pa niya.
Dahil na rin sa pangangailangan ng pamilyang nasa Pilipinas ay agad na tinanggap ni Nomer ang trabahong inialok sa kanya.
“Na-delay-delay ‘yung suweldo namin noong nasa architecture ako. Siyempre ayaw kong mahirapan ‘yung pamilya ko, so nag-decide ako na i-give up ‘yung architectural company kasi financially speaking, maganda ‘yung international school,” wika pa niya.
Sa kabila ng pagiging isang full-time teacher niya ay hindi pa rin tuluyang iniwan ni Nomer ang kanyang bokasyon bilang isang arkitekto.
Patuloy pa rin siyang gumagawa at tumatanggap ng mga proyektong may kinalaman dito kapag siya’y wala sa paaralang kanyang pinagtatrabahuhan.
Ayon sa kanya, time management lamang ang kailangan.
Kung paninirahan naman sa ibang bansa ang pag-uusapan, ‘eto ang payo niya: “Kung gusto mong mag-abroad, ‘wag iiwan ‘yung pagiging nationalistic. Kumbaga, proud to be a Filipino kahit saan ka pumunta.
*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.
The post ANG KARERA NI NOMER appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment