Thursday, November 28, 2013

BIR handang makipagkompromiso kay Pacquiao

BUKAS ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na makipagkompromiso sa kinakaharap na P2.2-billion tax case ni 8-division world champion Manny Pacquiao.


Sa isang pahayag, sinabi ni BIR commissioner Kim Henares na pinapayagan ng batas ang naturang transaksyon kung mayroong “reasonable doubt” laban sa ipinataw na tax assessment ng gobyerno o walang kakayahan ang tax payer na bayaran ang obligasyon nito.


Una nang iginiit ni Manny na masyadong malaki ang P2.2-billion na tax defficiency na sinisingil sa kanya ng BIR.


Ayon kay Henares, sa kaso na mayroong net worth deficit o nagdeklara ng bankrupt ang tax payer, itinatakda ng batas ang minimum compromise rate na 10 percent.


Gayunman, kailangan munang mai-waive ni Manny ang kanyang karapatan sa ilalim ng bank secrecy law.


Kailangan din patunayan ng Filipino ring icon na nakapagbayad ito ng buwis sa Pilipinas sa kinukuwestyong taon na 2008 at 2009.


Una na ring sinabi ng BIR chief na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na naayon sa itinatakda ng batas.


“Ang BIR po ay tagapagpatupad lang ng batas at ang batas ng Pilipinas, wala namang ibang sistema, na iba ang sistema sa mayaman, sa mahirap, sa sikat at hindi sikat. Iisa lang ho ang batas na iyan, at ina-apply ho iyan pantay-pantay sa lahat ng tao,” ani Henares.


The post BIR handang makipagkompromiso kay Pacquiao appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BIR handang makipagkompromiso kay Pacquiao


No comments:

Post a Comment