Pinag-aaralan na ng National Food Authority (NFA) ang inihaing bidding ng Thailand at Vietnam para sa pag–angkat ng bigas.
Sinabi ni NFA spokesman Rex Estoperez, ito ay makaraang buksan ang bidding ng dalawang bansa para sa US$475/metriko tonelada na alok ng Thailand at US$462.25 naman na alok ng Vietnam.
Nabatid na nasa 10,000 metriko tonelada hanggang 500,0000 metriko tonelada ang kailangan ng Pilipinas sa panibagong importasyon, na bukod sa presyo ay ibabatay rin sa kakayahan ng pagkukunang bansa na maipadala ang buong kontrata at kalidad ng bigas.
Tiniyak ni Estoperez na may sapat na suplay ng bigas ang bansa na tatagal hanggang sa buong taon ngunit sa kabila nito ay magaangkat pa rin ang NFA bilang paghahanda sa anumang epekto ng mga nagdaang kalamidad sa lokal na suplay at produksyon. – Jun Fabon
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment