Saturday, November 30, 2013

Sec. Butch Abad pinagpapaliwanag din sa fake SARO

DAPAT ding managot ang Department of Budget and Management (DBM) sa paglutang ng mga pekeng Special Allotment Release Order (SARO) sa Region 2.


Ito ay matapos lumabas ang ulat na ilang mambabatas partikular ang isang kongresista ang nagsumite sa DBM-Region2 ng pekeng SARO.


Binanggit ni Kabataan Rep. Terry Ridon na kung may pananagutan ang hindi pinangalanang mambabatas sa pagsusumite ng pekeng SARO sa DBM, ay may liability din o pananagutan dito ang ahensya dahil sila ang tumanggap at ang implementing agency sa pagpapalabas ng pondo.


Pinagpapaliwanag ni Ridon Budget Secretary Butch Abad sa pagre-release ng pondo nang hindi man lamang tinitiyak o sinusuri kung peke o hindi ang SARO.


Maging si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ay nanawagan sa liderato ng Kamara na imbestigahan ang isyung nabanggit dahil muli itong maglalagay sa kontrobersiya ang Kongreso.


Kailangan aniyang maging bukas ang DBM sa paglalantad sa mga sindikatong nasa likod ng pekeng SARO gaya ng pagiging bukas sa mga naunang paglalantad sa mga pekeng organisasyon na nasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.


The post Sec. Butch Abad pinagpapaliwanag din sa fake SARO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sec. Butch Abad pinagpapaliwanag din sa fake SARO


No comments:

Post a Comment