Friday, November 29, 2013

‘Agaw armas’ utas sa sekyu sa Taguig

PATAY ang isang miyembro ng “Agaw Armas Gang” nang mabaril ng isang security guard makaraang tangkaing agawin ng nauna ang service firearm ng guwardiya kagabi sa Taguig City.


Namatay noon din ang biktimang si Noel Trillanes, alyas Kulet, 31, ng Blk. 29 Lot 19, Office 28, Southville Brgy. Aguado, Trece Martirez, Dasmariñas, Cavite sanhi ng isang tama ng bala sa tiyan.


Kusa namang sumuko ang guwardiyang si Emilio Depala, 24, ng Lifeguard Archanghel Security Agency, nakatalaga sa South Luzon Expressway ng 2209 Soter St., Sta Ana, Manila matapos ang insidente.


Sa imbestigasyon, alas-7: 50 ng gabi sa Maricaban Creek, Sitio 2 Brgy. Fort Bonifacio habang naka-duty si Depala nang sumulpot ang biktima at tinutukan ng dalang baril si Depala sabay hablot sa nakasukbit pang kalibre .38 na baril ng guwardiya. Kaagad namang umatras si Depala upang hindi makuha ang kanyang baril subalit pinaputukan siya ni Trillanes.


Masuwerte namang hindi tinamaan si Depala kaya’t nakabunot siya ng baril at pinaputukan si Trillanes na tinamaan sa tiyan.


Matapos ang insidente, kaagad na sumuko sa kanyang station commander na si Panchito delos Santos si Depala bago siya dinala sa himpilan ng pulisya.


The post ‘Agaw armas’ utas sa sekyu sa Taguig appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Agaw armas’ utas sa sekyu sa Taguig


No comments:

Post a Comment