Friday, November 29, 2013

Ninakawan ng manok at saging nagbigti

Dinibdib ang pagkawala ng kanyang mga alagang manok at bunga ng saging, nagbigti ang isang biyudong lolo sa Ilocos Norte.


Lawit ang dila at wala nang buhay nang matagpuang nakabitin sa lubid si Isabelo Aceret Jr., 71, sa sala ng bahay nito sa Barangay Columbia, Vintar, Ilocos Norte.



Miyerkules nang umanang matuklasan ang kanyang bangkay ng kapatid na si Delia Aceret na nag-alala dahil hindi pa lumalabas ang matanda sa bahay.


Nakita ang suicide note sa tabi ng biktima na nagsasaad na galit na galit ito sa mga kamag-anak sa pagnakaw ng kanyang mga alagang manok at bunga ng saging. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ninakawan ng manok at saging nagbigti


No comments:

Post a Comment