Thursday, November 28, 2013

Tamayo, nababahala sa seguridad ng pambansang delegasyon

Nababahala si Team Philippines Southeast Asian Games Chef de Mission Col. Jeff Tamayo sa kasiguraduhan ng kaligtasan ng pambansang atleta sa pag-alis at sa kanilang pagbalik sa lugar na paggaganapan ng kompetisyon ng 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.



Hindi maitago ni Tamayo ang pangamba sa seguridad sa mga lugar ng Mandalay, Yangon, Ngwe Saung at main hub na Nay Pyi Taw dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon sa Myanmar na matagal na nasa ilalim ng pamamahala ng militar.


“Our main concern is iyong pagbiyahe ng mga atleta pagpunta at pagbalik mula sa competition venue, lalung-lalo na iyong mga nasa malalayong lugar,” sinabi ni Tamayo, kinailangan magpatawag ng team delegation meeting para kausapin ang mga namumuno ng bawat sports hinggil sa sitwasyon.


“We don’t want to create fear o takutin ang mga atleta natin but we want to be sure on their safety. Alam naman natin kung gaano dapat na ka-sensitive ang government with those issue pero hindi natin masisiguro lahat dahil first time nila na maghohost ng ganito kalaking event,” pahayag pa ni Tamayo.


Isa pang ikinababahala ni Tamayo ay ang communication line sa lahat ng mga magpapartisipang atleta at kasaling national sports association dahil hindi pa lehitimong nasisiguro ang pamamaraan para malaman ang katulad ng pagkuha ng mga resulta, pagtawag sa ibang venue at ang pagpapadala ng mga ulat.


“Nakikipag-usap nga kami sa coach ng football na si Ernie Nierras dahil may malaking possibility na mag-live stream na lamang tayo dahil hindi tayo nakakuha ng broadcast rights dahil sobrang mahal. We are trying to do kung ano ang posibilidad para sa internet na lang maipakikita ang mga laro natin,” giit pa ni Tamayo.


Maliban sa seguridad at linya ng komunikasyon, halos naasikaso na rin ni Tamayo ang pangangailangan ng atleta sa kanilang pagkain at nutrisyon, sa scheduling ng mga laro at posibleng mangyari sa kada dalawang taong torneo.


“Magsasama tayo ng tatlong cooks at dalawang makakatulong nila. Iyong problema sa scheduling ay inaasikaso na natin dahil malaking problema iyan pagdating doon, laluna pa ngayon na hindi na makagalaw ang MYASOC dahil sa pagbuhos sa kanila ng accreditation,” lahad ni Tamayo. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tamayo, nababahala sa seguridad ng pambansang delegasyon


No comments:

Post a Comment