Thursday, November 28, 2013

Bitay sa Kuwaiti na pumatay sa kasambahay na Pinay

HINATULAN ng parusang kamatayan ang isang babae sa Kuwait kaugnay ng pagpatay sa kanyang Pinay na kasambahay.


Sa ruling ng Kuwaiti Supreme Court, dawit din ang may kapansanang mister ng babae kung saan 10 taon itong mabibilanggo dahil sa pagtulong sa krimen.


Na-convict ang Kuwaiti woman sa kasong premeditated murder matapos mapatunayang lagi niyang tino-torture ang Pinay hanggang sa unti-unting manghina ang kalusugan at kanyang mapatay.


Sinubukan pang itago ng mag-asawa ang krimen sa pamamagitan ng pagsagasa rito ng ilang beses at itinapon sa isang remote area.


Wala pang petsa kung kailan nakatakda ang pagbitay sa suspek.


Nabatid na mahigit 100,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Kuwait na karamihan ay mga kasambahay habang 600,000 ang domestic helpers.


The post Bitay sa Kuwaiti na pumatay sa kasambahay na Pinay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bitay sa Kuwaiti na pumatay sa kasambahay na Pinay


No comments:

Post a Comment