KASABAY ng paggunita ng World AIDS Day ngayon at matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong HIV-AIDS cases sa bansa sa buwan ng Oktubre 2013, pinayuhan ng isang health official ang publiko na ugaliing gumamit ng condom sa pakikipagtalik upang makaiwas na mahawahan ng HIV-AIDS.
Bukod dito, muli ring ipinaalala ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang kanilang matagal nang programa laban sa HIV na ABC o Abstinence, Be faithful, at Condom use.
“Unprotected sex is risk factor for HIV. Better use condoms,” ayon pa kay Tayag, sa kanyang Twitter account na @erictayagSays.
Matatandaan na ang lesbians, gays, bisexuals and transgenders (LGBT) community ay nananawagan rin nang paggamit ng condom sa kanilang mga miyembro matapos ang mga ulat na ang mayorya ng mga naitatalang bagong kaso ng HIV sa bansa ay mula sa kanilang hanay.
Una nang iniulat ng DOH na naitala nila nitong Oktubre 2013 ang 491 bagong kaso ng HIV-AIDS infection, na siyang highest monthly number ng sakit na naitala mula taong 1984, kung kailan sinimulan ng DOH ang regular monitoring sa sakit.
Ngayong 2013 ay umabot na sa 4,072 HIV-AIDS cases ang naitala sa bansa habang kabuuang 15,774 kaso naman simula taong 1984.
Ang 1,441 sa mga naturang kaso ay nag-develop sa AIDS habang 856 naman ang namatay.
The post World AIDS Day ginugunita ngayon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment