Friday, November 29, 2013

Holdaper na baril-barilan ang gamit nadakip

NADAKIP ng mga pulis ang isang holdaper na baril-barilan ang gamit sa isinagawang follow-up operation makaraang mambiktima ang una sa Caloocan City Huwebes ng gabi, Nobyembre 28.


Kinilala ang suspek na si Michael Basilio, 27, ng Pangako St., Bagong Barrio, nasabing lungsod.


Sa pahayag ng biktimang si Maria Nona Cabrito, alas-10 ng gabi, nag-aabang siya ng bus na masasakyan sa EDSA ng lungsod nang lapitan at tutukan ng baril ng suspek.


Kinuha ng suspek ang pouch ng biktima na naglalaman ng P5,000 at cellphone bago tumakas habang nagsumbong naman sa mga pulis si Cabrito at positibong kinilala ang suspek sa photo gallery ng mga pulis.


Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek at nabawi ang cellphone habang P1,000 na lang ang natirang pera.


Nakumpiska sa suspek ang baril-barilan na gamit, granada, patalim at dalawang sachet ng shabu.


The post Holdaper na baril-barilan ang gamit nadakip appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Holdaper na baril-barilan ang gamit nadakip


No comments:

Post a Comment