Friday, November 29, 2013

AKSYON, GEN. GATCHALIAN!

PUMAPASOK sa kanan ngunit mabilis namang lumalabas sa kaliwang tainga. Ganyan ang pagsasalarawan kay Mayor Manny Alvarez sa kanyang kawalang-aksiyon sa nagkalat na iligal sa bayan ng Rosario, Batangas.


Ayon sa mga residente, matagal na nilang inirereklamo ang iba’t ibang kailigalan sa kanyang lugar, subalit dinededma lamang umano ng magaling na alkalde.


Isa sa isinumbong na kay mayor ang montehan sa Barangay E, sa poblacion ng town proper na ang operasyon ay bente kuwatro oras.


Marami na umanong nalulong sa gambling den na ito. May matatanda, binata at maging ang mga bata ay nakikita sa nasabing sugalan.


Tila protektado raw ng mga bata ni Rosario police chief C/Insp. Salvador Solano ang nasabing gambling den dahil iniikutan palagi ng police car.


At take note, Mayor Alvarez at Maj. Solano, may sakla den din sa loob ng Tombol cockpit sa Brgy. Quilib na ino-operate ng isang Sgt. Legarte.

Gayundin sa Brgy. Alupay na ang financier ay isang retired ‘Sgt. Macaraeg’ na dating miyembro ng Rosario police station.


Pakiwari natin, eh, bulag, pipi at bingi sina mayor at major dahil ‘di nila nakikita ang naghambalang na iligal sa kanilang area of responsibility.


Region 4-A director C/Supt. Jess Gatchalian, sir, makialam ka na nga, pahuli mo ang montehan na ito sa bayan ni Mayor Alvarez.


EL PASO COCKPIT TAMBAYAN NG MGA ADIK


Tambayan daw ng mga adik ang El Paso cockpit sa Nasugbu, bukod pa sa lugar din ito ng iba’t ibang uri ng iligal na sugal.


Ang baklay o saklaan sa El Paso cockpit na minamantine ng partners na sina Willy Mendoza at Jerome King ay ang paboritong laro ng mga dumarayo roon.


Sina Mayor Charito Apacible at police chief Supt. Marlowe Quintong Torina ay tila walang pakialam sa operasyon ng iligal sa kanilang bayan.


Bakit ayaw kumilos nina mayor at hepe? Nakadududa!


Paging Gen. Jess Gatchalian.


The post AKSYON, GEN. GATCHALIAN! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



AKSYON, GEN. GATCHALIAN!


No comments:

Post a Comment