Friday, November 29, 2013

Ginulping anak ng mayor, namaril, 2 sugatan

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang umano’y anak ng mag-asawang maimpluwensiyang pulitiko na namaril sa isang KTV bar na ikinasugat ng dalawa katao matapos siyangpagtulungan gulpihin sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.


Kinilala ng Laoag City Police Office ang mga biktima na sina Bobby Mercado, tubong San Fernando Pampanga, empleyado ng Pagcor, at Xavier Matutu, residente ng Badoc, Ilocos Norte.



Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si Kristoffer “Boks” Torralba, sinasabing anak nina Mayor Arlene Torralba at Vice-Mayor Tomas Torralba ng Badoc, Ilocos Norte.


Batay sa salaysay ng isa sa mga kasama ng dalawang biktima na si Jacinto Manas, nakursunadahan umano sila ni Torralba sa loob ng KTV bar habang masayang umiinom.


Nilapitan umano ni Torralba ang grupo ng mga biktima at pahasik na nagsabing “anong problema niyo” at sinagot naman nila ng “wala,” sabay gulpi kay Torralba.


Napalo pa umano ng crash helmet sa ulo si Torralba, bago ito ay tumakbo upang kunin ang M-16 armalite rifle sa kanyang pulang Strada pick-up.


Pagbalik ni Torralba ay pinagbabaril nito mga biktima at tinamana sa singit si Mercado habang nasugata sa kamay si Matuto. Magkahiwalay na isinugod sa hospital ang mga sugatan.


Tumakas naman si Torralba matapos ang pamamaril.


Narekober ng pulisya ang mga basyo at bala ng M16 at deformed cartridge sa lugar ng krimen. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ginulping anak ng mayor, namaril, 2 sugatan


No comments:

Post a Comment