Friday, November 29, 2013

Misis, kalaguyo tinodas ng mister sa Ilocos

TADTAD ng saksak at patay na nang matagpuan ang isang babae at lalaki sa Brg. Maantong, Suyo, Ilocos Sur.


Kinilala ang mga biktima na sina Roberto Macusi, tubong Bauang, La Union at Ermar Marinias, habang pinaghahanap naman ang suspek na si Clarito Marinias, mister ng huli.


Nabatid na binabaybay ng mga biktima ang daan patungong Tagudin sakay ng truck nang harangin ng suspek at pagsasaksakin sila hanggang mapatay.


May hinala ang pulisya na love triangle ang motibo sa krimen nang mabalitang may relasyon ang mga biktima.


Kasong murder at parricide ang kinakaharap ng suspek.


The post Misis, kalaguyo tinodas ng mister sa Ilocos appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Misis, kalaguyo tinodas ng mister sa Ilocos


No comments:

Post a Comment