Friday, November 29, 2013

PNP officer inabsuwelto ng CA sa second-hand helicopters

Binaliktad ng Court of Appeals ang unang desisyon ng Office of the Ombudsman sa pagsibak kay Chief Supt. Luis L. Saligumba bunsod ng maanomalyang pagbili ng tatlong second hand helicopters na pinalitaw na brand new para sa Philippine National Police (PNP) noong 2009.



Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Magdangal de Leon, giit ng CA na hindi dapat sisihin si Saligumba sa paglalagay ng kanyang lagda sa report na ginawa ng PNP-Inspection and Acceptance Committee (IAC) dahil wala itong sapat na kaalamang teknikal hinggil sa mga helicopter.


“Saligumba had every reason to rely on the report prepared by the composite technical inspection team which was in a better position to know what to check in a helicopter and its true condition,” sinabi ng CA.


“Petitioner (Saligumba) is hereby exonerated from the administrative charges and ordered reinstated to the service,” ayon pa sa CA.


Noong Mayo 30, 2012, ideneklara ng Office of the Ombudsman si Saligumba bilang “guilty” sa kasong serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service na nagbunsod sa kanyang pagkakasibak sa serbisyo. Ipinagutos din ng korte sa PNP na huwag ibigay ang retirement benefits ni Saligumba.


Nag-ugat ang kasong administratibo laban sa 11 opisyal ng pulisya sa pagbili ng isang fully-equipped Robinson R44 Raven II Light Operational Helicopter (LPOH) sa halagang P42.3 milyon at dalawang standard-equipped Robinson R44 Raven I sa halagang P62.7 milyon noong 2009 at 2010.


Ang purchase requirement ng PNP ay mga brand new helicopter subalit kinalaunan ay nadiskubreng ang fully-equipped Raven II lamang ang bagong unit habang ang dalawang Raven I ay second hand. – Rey G. Panaligan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNP officer inabsuwelto ng CA sa second-hand helicopters


No comments:

Post a Comment