TUWANG-TUWA si Gladys Reyes sa double nomination ng Moments, ang kanyang talk show sa Net 25 na siya mismo ang producer.
Nominated ang Moments sa Star Awards for TV bilang Best Celebrity Talk Show at siyempre nominated siya sa kategoryang Best Celebrity Talk Show Host.
“Nu’ng matanggap ko ang certification talagang tuwang-tuwa talaga ako, this is not my first time naman to be nominated pero iba kasi ang pakiramdam ngayon dahil ako ang producer ng show,” sey sa amin ni Gladys.
“Pero sa totoo lang, pagkabasa ko pa lang sa nominees, eh, hindi na ako umaasang mananalo. Ang bibigat ng kalaban ko kagaya nina Vice Ganda, Kris Aquino at iba pa,” dagdag niya.
Patuloy na gumaganda ang Moments ni Gladys at pati na rin naman ang ratings at commercial load. Marami na rin daw silang sponsors na pinagtutulungan nilang mag-asawa at pati na ang kapatid niyang si Janice.
Samantala, lumaki sa mga magulang na iginagalang sa Iglesia ni Kristo si Gladys. Parehong may katungkulan sa nasabing sekta ang ama niyang si Daddy Sunny at ang ina niyang si Mommy Zeny. Kaya nasaktan si Gladys sa tsikang hindi raw pinapasok sa simbahan nila sa Tacloban ang mga binagyo.
“Naipaliwanag ko na ‘yan sa tweeter pero sa totoo lang nag-aantay lang ako na may magtatanong sa akin tungkol diyan. Siyempre, hindi naman talaga totoo ‘yan. At saka ‘yung nag-post niyan, eh, na-confirm na namin na poser lang siya.
“Hindi totoo ang account niya. Mismong siya, eh, hindi totoo sa sarili niya. At saka hindi rin totoo rin na nagre-refuse. Marami ngang families na nakakatuloy sa simbahan namin. Kung nakatayo man ‘yun, siguro hindi namin kasalanan. ‘Yon kasi doon lang nakikita namin na doon napupunta ‘yung mga abuloy namin. Kongreto naming pagsambahan. At inaayos agad namin ang sira,“ paliwanag pa ng aktres.
Dagdag pa rin ni Gladys, tahimik lang naman daw na tumutulong ang INC. Meron din daw silang mga proyekto na Kabayan Ko, Kapatid Ko at hindi lang daw ‘yun para sa mga kapatid nila sa Iglesia ni Cristo.
“Sa totoo lang naman, eh, mas lamang nga ‘yung natutulungan naming hindi namin kapatid sa Iglesia,” sey pa rin niya. –Jimi Escala
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment