Thursday, November 28, 2013

Matansero tinodas habang nag-aalok ng karne

PATAY ang 61-anyos na matansero nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nag-aalok ng kanyang ibinebentang karne kaninang madaling-araw sa Pasay City.


Dead on the spot ang biktimang si Ricardo Jataas, biyudo, ng Remy St. sanhi ng anim na tama ng bala sa dibdib at isa sa ulo habang sugatan naman makaraang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang hita ang tindera ng prutas na si Eileen Mamaradlo, 42, kaagad isinugod sa Pasay City General Hospital ng mister na si Cesar, 36.


Sa imbestigasyon, alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Libertad at Villanueva St., sa labas lamang ng Pasay Public Market.


Nauna rito, iniaalok ng biktima ang dala nitong karne ng baka sa mag-asawang Mamaradlo nang sumulpot ang nag-iisang suspek na nakasuot ng crash helmet at walang sabi sabing pinagbabaril nang malapitan ang biktima ng dalang kalibre .9mm na pistol.


Agad na tumakas ang suspek makaraan ang pamamaslang, sakay ng isang motorsiklo patungo sa hindi nabatid na lugar.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang habang nakuha naman sa lugar ng krimen ang walong basyo ng bala at tatlong depormadong tingga.


The post Matansero tinodas habang nag-aalok ng karne appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Matansero tinodas habang nag-aalok ng karne


No comments:

Post a Comment