Thursday, November 28, 2013

PASAWAY NA MGA “GURANG” AT BINAY KALADKAD SA SUGAL

MALIBAN sa “epal king” na bansag kay Vice President Jojo Binay sa social media ay kinakaladkad din ang kanyang pamilya sa isyu ng “political dynasty”.


Ngunit hindi riyan nagtatapos ang “kalbaryo” laban sa pangarap ni nognog na maging pangulo ng bansa sa 2016.


Dahil naniniwala ngayon ang mga taga-Bangkal, Makati na kung magiging presidente nga si nognog ay marerekupo ng gambling lord na si Toto Lacson ang sugal sa buong bansa.


Ayon sa ating tawiwit, sa 2016 ay inaasahan na nila ang linyang ito: “Centralized ang sugal sa Makati, sana sa buong bansa rin!”


Katunayan, ayon sa tawiwit, ay isa ang GL na si Lacson sa donors ng “relief goods” ni Binay na may mga tatak ng pangalan ng bise presidente at ipinadala sa Leyte!


Sandali, parekoy, bakit nga pala tahimik lang si Makati City police chief S/Supt. Manuel Lukban Jr. sa kabila ng lantarang sugal ni Lacson?


Ahhh, magiging heneral nga naman siya kung pangulo na si nognog! Hehehe.


Panawagan natin kay DILG Sec. Mar Roxas, pati ba ikaw,sir, ay takot na rin kay Binay?


Bago kayo mangarap ni Binay na maging pangulo sa 2016, pagtulungan kaya muna ninyong burahin ang sugal ni Toto Lacson!

Now na!


-o0o-


Grandma of all falsehood fabricators at saka peeping lola!


Ilan lamang ang mga ‘yan sa itinawag ni Sen. Juan Ponce Enrile kay Sen. Miriam Defensor Santiago.


Lagot, parekoy, mukhang handa na si “Tanda” na halibasin ng kaliwa’t kanan si “Lola.” Hehehe.

Ang nasabing “speech” ay bilang ganti sa mga naunang kalikaw sa kanya ni Lola na itong si Tanda umano ang “utak” ng giyera sa Zamboanga at Priority Development Assistance Fund scam.


Opkurs, inaasahang sasagutin ni Lola sa Disyembre 4 itong halibas sa kanya ni Lolo.

At inaasahan na, parekoy, na kung hindi talaga paaawat itong dalawang matanda ay tiyak na magtutuloy-tuloy ang kanilang asim! Ehek!


At siyempre, sa bawat balibagan ng dalawang onorabol ay ginagastusan sila mula sa buwis ng taumbayan! King-ina!


Ang hirap talagang bumoto ng mga gurang . . . buti sana kung ordinaryong kulitan lang itong kanilang ipinakikita.


Ang masaklap kung wala tayong kamalay-malay, eh, pareho na palang ulyanin sina Lola at Tanda! Hak, hak, hak! Pwe!


Awat na po . . . Sana maging uliran kayong ehemplo sa mga batang senador! Hmmmp!

Pasaway ang mga ito Ahhhh!


The post PASAWAY NA MGA “GURANG” AT BINAY KALADKAD SA SUGAL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PASAWAY NA MGA “GURANG” AT BINAY KALADKAD SA SUGAL


No comments:

Post a Comment