Thursday, November 28, 2013

Piolo, tuluy-tuloy sa tahimik na pagtulong

Ni Jimi Escala


PIOLO Pascual KUNG sina Angelina Jolie, George Clooney o ang kanilang Philippine counterparts na sina Kris Aquino at Angel Locsin ay naniniwala na hindi masamang tumulong at ipaalam ito sa lahat para makapag-encourage ng iba pa upang tumulong din, silent worker naman sa aspetong ito si Piolo Pascual.



Isa si Piolo sa ilang artista na tahimik lang na tumutulong sa mga kasamahan o sa mga kababayang nating higit na nangangailangan.


Last year, isa si Piolo sa mga tumulong sa feeding program namin sa Magat Salamat Elementary School na kami ang PTA president. Pero ipinakiusap niya sa amin na huwag daw naming isusulat! Pero heto, hindi rin namin natiis, he-he ….


Last November 23 sa Bonifacio Global City ay muli niyang idinaos ang kanyang SunPiology Run na panglimang taon na ngayon.


Katuwang ni Piolo sa fundraising event ang Sun Life Financial. Beneficiaries nito ang Sagip Kapamilya at ang Hebreo 12:1 Foundation na itinatag ni Piolo para sa kapuspalad nating mga kababayan.


Banggit ni Papa P nang makausap namin siya pagkatapos ng event, ang proceeds ng SunPiology Run ngayong taon ay para

sa mga biktima ng bagyong Yolanda at ng Bohol earthquake.


“We started with a show for a cause a couple of years back, hoping and wanting to just help Sagip Kapamilya, para kapag may dumating na kalamidad tulad nito, we’ll have a fund for them and have something to donate. Lahat ng proceeds ng mga shows namin, itinatago namin para may maibigay,” sey ng guwapong aktor.


Bukod sa Sunlife ay labis ang pasasalamat ni Piolo sa kanyang kapwa Kapamilya Stars na sina Matteo Guidicelli, Kim Chiu, Rayver Cruz, Ejay Falcon, Carlo Aquino, Joem Bascon, and Robi Domingo na pawang gumawa ng kani-kanilang paraan para makasama niya sa araw na’yun.


Kinagabihan naman ay nakasama niya sa concert sina Bea Alonzo, Sam Milby, Matteo Guidicelli uli, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Dimples Romana, Pokwang, Bugoy Drilon at iba pang singers na kahit isang kusing ay hindi tumanggap sa kanilang performance.


Walang balak na makisali sa pulitika si Papa P, gaya ng intriga kaya raw niya ito ginagawa.


“Tama na ‘yung makakatulong tayo sa mga kababayan natin in our own little way. Iba kasi talaga ang pakiramdam, iyong you do something for free, you do something to give back,” banggit pa ng guwapong aktor, in and out.


Malaking kasiyahan para sa kanya ang pag-oorganisa ng isang ganitong okasyon at hindi puro trabaho na lang siya.


” At least nagamit mo rin iyong image mo or iyong influence mo to also inspire other people or to help our fellowmen,” seryosong banggit ng aktor.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Piolo, tuluy-tuloy sa tahimik na pagtulong


No comments:

Post a Comment