NAGPALIWANAG ang Department of Health (DOH) hinggil sa mga nabubulok at expired na gamot na nagkakahalaga ng P17.505 milyon at nabili ng DOH sa mga nakalipas na taon.
Sa isang kalatas, sinabi ni Health Secretary Enrique T. Ona na batay sa Commission on Audit CY 2012 Annual Audit Report, ang mga naturang expired drugs at medicines ay nagkakahalaga lamang ng P6,647,821.45.
Batay rin aniya sa rekord, ang karamihan sa mga expired medicines ay kinabibilangan ng 58,450 kapsula ng Anti-flu medicine (Tamiflu 75mgs), na nagkakahalaga ng P5,613,700.00 at nabili noong 2009.
Sinabi ng Kalihim na ang mga ito’y stockpiled drugs na inilalaan sana para sa paghahanda sa posibleng pananalasa ng Pandemic A (H1N1).
Layunin rin nito na maiwasan ang paglitaw ng “Oseltamivir-Resistant Strain of Virus”.
Ito umano ang huling armamentarium para sa lahat ng Pandemic Influenzas tulad ng H5N1 (Avian Flu o Bird flu).
Anang Kalihim, ang mga naturang expired na gamot at medisina ay natagpuan sa mga stockroom ng Philippine Orthopedic Center, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Batanes General Hospital, National Center for Mental Health at Center for Health Development-Bicol.
Sinasabing mayroon ring umano’y overstocking ng medical supplies at mga gamot na nagkakahalaga ng P10,857,388.05, ngunit tiniyak ng DOH na ang mga naturang overstocked supplies ay gagamitin nila.
The post DoH nagpaliwanag sa P17-M expired na mga gamot appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment