Saturday, November 30, 2013

Jessica Sanchez nasa bansa para tumulong sa ‘Yolanda’ survivors

NASA bansa ngayon ang “American Idol” runner up na si Jessica Sanchez para personal na tumulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Sa micro-blogging site na Twitter, inihayag ng Glee guest star ang kanyang excitement sa pagbabalik-bansa.


“@JessicaESanchez: Mabuhay Philippines!!! Excited to be back and ready for@starkeycares @TaniAustin @ and their amazing team!!! Such an incredible foundation!!”


Makakasama ni Sanchez sa relief operations ang People’s Champ na si Manny Pacquiao na unang nagpahayag at nangakong magsasagawa ng sariling relief operations para sa mga biktima ni Yolanda matapos ang nakatakdang laban nito kontra kay Brandon Rios.


Una na ring nagsagawa ng relief efforts ang singer sa pamamagitan ng kanyang unang online concert sa stageit.com at sumulat din siya ng awiting “Lead Me Home” para makalikom ng pondo na iaabot sa Philippine Red Cross.


Ang naturang track ay kabilang sa iTunes collection na “Songs for the Philippines.”


Bukod sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, nasa bansa rin si Sanchez para tumulong sa Starkey Hearing Foundation.


Ito ang ikatlong pagkakataong bumisita ang singer sa Pilipinas.


Mananatili si Sanchez sa bansa hanggang Disyembre 10.


The post Jessica Sanchez nasa bansa para tumulong sa ‘Yolanda’ survivors appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jessica Sanchez nasa bansa para tumulong sa ‘Yolanda’ survivors


No comments:

Post a Comment