Thursday, November 28, 2013

2nd batch ng ‘pork case’ isasampa bukas – De Lima

HINDI pa rin natuloy kanina ang paghahain ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kaso sa pangalawang batch ng mga itinuturong sangkot sa multi-million peso pork barrel fund scam kundi sa halip ay bukas na.


Ilang ulit na ring ipinagpaliban ni Justice Sec. Leila de Lima ang filing sa Office of the Ombudsman matapos mag-leak ang impormasyon ng mga kakasuhan sa naturang usapin.


Idinahilan naman ngayon ng kalihim na gahol sila sa oras sa pag-review at maaaring isagawa ang paghahain bukas na lamang ng umaga.


“Ngayon kasi although pwede ihabol but I have no time to really go over, to take a final look at the final version of the documents na prepared by NBI,” ani De Lima. “Di lang ako nagkakaoras ngayon kaya di matutuloy ngayon. But I already told NBI na tomorrow na, between 11:00 to 11:30 although mahihirapan na naman ako, I don’t know if I will be able to personally go with those who will be filing it with the Ombudsman.”


Nagpaliwanag din naman si De Lima na malinaw ang kanyang direktiba sa whistleblowers, NBI at mga abogado na iwasan ang paglalahad ng mga hilaw na impormasyon ukol sa kaso dahil posibleng makatakas ang mga sinasampahan ng demanda palabas ng bansa.


Pero sa panibagong pagbubunyag ng abogado ng whistleblowers na si Atty. Levito Baligod, maliban sa 10 kakasuhan sa second batch ng pork barrel case, 30 iba pa ang agad ding isusunod.


Una rito, nakaladkad ang pangalan ng apat na dating kongresista makaraang maiugnay sa mga bogus non-governmental organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.


Ang nasabing reklamo ay hiwalay pa sa 38 unang nasampahan kasama na ang plunder charges kina Sens. Juan Ponce Enrile, Jingoy Estrada at Bong Revilla, maliban pa kay Janet Lim-Napoles.


The post 2nd batch ng ‘pork case’ isasampa bukas – De Lima appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2nd batch ng ‘pork case’ isasampa bukas – De Lima


No comments:

Post a Comment