Friday, November 29, 2013

491 bagong kaso ng HIV-AIDS naitala

MAY 491 bagong kaso ng HIV-AIDS cases na naitala ang Department of Health (DOH) sa bansa nito lamang Oktubre 2013, na ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag ay siya nang pinakamataas na monthly number ng mga bagong kaso na naitala nila simula taong 1984.


Batay sa ulat ng Philippine HIV and AIDS Registry ng DOH-NEC, ang naturang mga bagong kaso ng sakit ay 66% na mas mataas kumpara sa naitalang 295 kaso lamang na nai-rekord noong Oktubre 2012.


Sinabi ni Tayag na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 4,072 ang HIV cases na naitala sa bansa sa taong 2013 (Enero hanggang Oktubre) pa lamang at 15,774 naman simula Enero 1984, kung kailan sinimulan ng DOH ang regular monitoring sa HIV-AIDS cases sa bansa.


Nabatid na karamihan sa mga bagong kaso ng sakit o 94% ay mga lalaki at 60% naman ay nasa pagitan ng 20-29 year age group lamang.


Ayon sa DOH, sexual contact pa rin ang nangungunang mode of transmission sa sakit na umabot sa bilang na 445, sumunod ang needle sharing among injecting drug users (45), at mother-to-child transmission (1), o yaong nahawa mula sa kanyang ina.


Karamihan sa mga bagong kaso ng sakit ay naitala sa National Capital Region, Region 4A at Region 7.


Ayon pa sa DOH, mula Enero 1984 hanggang Oktubre 2013 ay nakapagtala na sila ng 856 pasyente na nasawi dahil sa HIV kung saan 669 (78%) sa mga ito ay mga lalaki.


Nasa 148 naman ang iniulat na nasawi sa sakit simula Enero 2013 hanggang Oktubre 2013 at lima sa mga ito ay nasawi lamang nitong Oktubre.


The post 491 bagong kaso ng HIV-AIDS naitala appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



491 bagong kaso ng HIV-AIDS naitala


No comments:

Post a Comment