BALIK-PAARALAN na bukas, Lunes ang mga estudyante sa Samar at Leyte matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.
Sa kabila ng trahedya, nagtutulong-tulong ang mga guro, magulang at estudyante sa paglilinis para maihanda ang kanilang paaralan sa pagbubukas ng klase.
Dahil hindi pa maaaring gamitin ang mga napinsala at gumuhong classrooms, sa mga make-shift classroom tulad ng tent muna magkaklase ang mga estudyante.
Pero ilang eskwelahan pa ang walang tent at problemado pa rin sa mga gagamitin sa klase gaya ng libro. May iba pang inookupahan pa rin ng mga evacuee.
Banggit naman ng mga guro at magulang, kakayanin nilang makaraos.
Tumutulong na ang mga dayuhan gaya ng mga sundalo mula sa Australia at Korea sa paglilinis ng mga paaralan.
Aminado naman ang Department of Education (DepEd) na hindi pa makakapagbukas ang lahat ng paaralan dahil marami pa ring wasak at hindi pa nalilinis.
The post Mga estudyante sa Samar at Leyte, balik-eskwela na bukas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment