Saturday, November 30, 2013

4 kelot pinagbabaril sa Las Piñas City

SUGATAN at nilalapatan na ng lunas ang apat na lalaki nang pagbabarilin ng ‘di nakilalang salarin kaninang madaling-araw sa Las Piñas City.


Dahil sa malubhang tama ng bala sa katawan, hindi pa mabatid ng imbestigador ang mga pangalan ng mga biktima na nilalapatan ng lunas sa Las Piñas Doctor’s Hospital.


Batay sa ulat, nakitang naglalakad ang apat na biktima sa Malugay St., Phase 4, CAA, nang hintuan ng L300 van (JKL 825).


Ang insidente ay naganap alas-3:40 kaninang madaling-araw nang biglang bumaba ang isang lalaki na armado ng baril at pinaputukan ang mga biktima.


Makaraan ang pamamaril ay tumakas ang suspek gamit ang naturang sasakyan na ngayon ay tinutunton na ng awtoridad ang may-ari.


The post 4 kelot pinagbabaril sa Las Piñas City appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



4 kelot pinagbabaril sa Las Piñas City


No comments:

Post a Comment