Saturday, November 30, 2013

Housing crisis imposible – Solon

AGARANG ipinalalatag ng ilang kongresista sa Department of Publie Works and Highways (DPWH) ang konkretong plano para sa proyektong pabahay sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Sa isang panayam, sinabi ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, chairman ng House Committee on Housing na ngayong linggong ito ay nagtakda ang komite ng pagdinig sa Kamara kung saan haharap si DPWH Secretary Rogelio Singson.


Ito ay sa gitna ng pangamba na posibleng magkaroon ng housing crisis dahil sa dami ng mga nasirang tahanan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo bukod pa ang mga nagsipuntahan na dito sa Maynila.


Ayon kay Benitez, si Singson ang itinalaga ni Pangulong Aquino upang pamunuan ang proyektong pabahay para sa mga biktima kung saan ibibilang sa plano ang resolusyong ipinasa ng komite ukol sa cluster housing para sa rehabilitasyon.


Tiwala si Benitez na hindi magkakaroon ng krisis sa pabahay dahil magiging katuwang aniya ng grupong pamumunuan ni Singson ang kaniyang komite sa paglalatag ng programang pabahay.


Kabilang aniya sa agarang reresolbahin ay ang pagtatayo ng mga pansamantalang masisilungan ng mga biktima sa Leyte, Samar, Bliran at iba pang lugar.


Upang hindi kapusin sa proyektong pabahay ay sinusuri na ng grupong itinalaga para sa pabahay ang mga nakatiwangwang na lupa na maaaring pagtayuan ng bahay para sa mga biktima gayundin ang libu-libong yunit na naitayo na sa Bulacan, Cavite, Bataan kabilang na ayon kay Benitez ang dating tinerhan ng mga Vietnamese refugees sa bansa.


Ngunit tiniyak ni Benitez na hindi patitirhan sa mga biktima ang pabahay na inilaan para sa mga miembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.


Batay sa pagtaya ng kongresista ay maaaring abutin ng hanggang P200 bilyon ang kakailangan para sa mahigit isang milyong pamilya na walang bahay na ang tanggapan ng pangulo aniya ang mag-a-identify kung sinu-sino ang mga kuwalipikado sa proyektong ito.


Nauna rito ay nagpahayag ng pangamba si Anakpawis Rep. Fernando Hicap na haharapin ng bansa ang housing crisis dahil sa dami ng mga pamilyang nawalan ng tahanan matapos manalasa ang Yolanda.


Maiiwasan lamang aniya ito kung magiging maagap ang mga ahensya ng gobyerno sa paglalatag ng housing program dahil hindi biro na mahigit isang milyong indibidwal ang wala ngayong matirahan.


The post Housing crisis imposible – Solon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Housing crisis imposible – Solon


No comments:

Post a Comment