MULING iginiit ngayon ng Palasyo na walang kinalaman sa umiigting na tensyon sa tinaguriang air defense zone ng China ang nakatakdang pagbisita sa susunod na linggo sa Pilipinas ng Japanese defense minister.
Nilinaw ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ang pagdating sa bansa ni Minister Itsunori Onodera ay may kaugnayan sa tulong nilang relief and recovery effort sa mga sinalanta ng supertyphoon.
Matatandaan na ang Japan Self-Defense forces ay nagpadala ng mahigit sa 1,000 mga tauhan, tatlong barko at C-130 cargo plane upang tumulong sa mga lugar na sinalanta.
Una na ring iniulat ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na ang pakay sa bansa ng Japanese defense minister ay magsagawa pa ng assessment at pumunta sa ilang calamity areas sa bansa.
Kung maaalala, ang isla na bagong inaangkin ng China na tinawag na air defense zone ay binalewala ng Amerika at Japan at nagpalipad pa ng military aircraft sa lugar nang walang abiso sa Beijing.
The post Defense minister ng Japan magsasagawa ng assessment sa calamity areas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment