Wala nang planong kuwestiyunin ng Department of Justice(DoJ) bagkus ipinauubaya na lamang nito sa Anti Money Laundering Council ang desisyon at estratehiya sa pagsasailalim sa freeze order ng mga ari-arian at bank account ng mga kinasuhan sa pork barrel scam.
Ang paliwanag ay ginawa ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima sa harap na rin ng katanungan kung bakit hindi napabilang sa freeze order ng Court of Appeals ang assets at bank accounts nina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada na pawang kinasuhan sa Office of the Ombudsman ng plunder habang sakop lamang ng freeze order ang ilang dating kongresista at mga staff nito.
Matatatandaan na una nang sinabi ng appellate court na hindi kasama sa freeze order ang ari arian ng tatlong senador dahil hindi naman kasama ang kanilang mga pangalan sa hiniling ng AMLC na isailalim sa freeze order ang mga asset.
Ikinatwiran naman ni De Lima na ang AMLC ang syiang may mas kapasidad pagdating sa nasabing usapin at ayaw na umano nila itong gipitin sa nasabing isyu. Naniniwala rin ang kalihim na may sariling proseso at istratehiya ang AMLC at ito rin ang nagsasagawa ng imbestigasyon kaya mainam na hayaan at ipaubaya na sa kanila ang gagawing hakbang sa kaso.
Kung ang NBI umano ang tatanungin na siyang naghain ng kasong plunder, sinabi ni De Lima na nais nitong ipasama sa freeze order maging ang assets ng tatlong senador, katwiran umano kasi ng NBI na mayroong conspiracy na naganap sa pagpapalabas ng PDAF funds bagamat iba’t ibang lebel umano ang naging partisipasyon dito ng ilang indibidwal. – Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment