Thursday, November 28, 2013

SINUNTOK DAW?

HEADLINE nitong nagdaang mga araw ang “deadly punch” daw na ibinigay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ating mahal na kampeon na si Congressman Manny Pacquiao.


Pumutok kasi ang balita na frozen daw ang mga pera ni Pacman sa bangko dahil hindi siya nagbayad ng buwis na umaabot daw sa mahigit na dalawang milyong piso.


Isang araw pagkarating na pagkarating pa lang ni Pacman mula sa kanyang laban sa Macau, na naging inspirasyon ng buong bansa, ay bumulaga ang kontrobersya ng tax evasion case laban kay Cong.

Ang sabi raw ni Cong. Pacquiao, hindi naman niya ninakaw ang pera niya, pinaghirapan daw niya ito at pinagbuwisan ng pawis at dugo.


Ang sabi naman ni Commissioner Kim Henares ng BIR, matagal na raw nilang hinahabol si Pacman para sa kanyang obligasyon, ang hinihingi lang naman daw ng BIR ay maipakita naman sana ni Pacman ang katibayan na maayos siyang nagbayad ng buwis na kanyang obligasyon bilang Filipino.


Sana ay hindi mahikayat ang kahit na sino na pumili ng papanigan sa isyung ito.


Maraming masasaktan kapag naging marumi at napaglaruan ang isyu.


Sa panig ng gobyerno, may mga obligasyon tayo bilang mga mamamayan na magbayad ng karampatang buwis.


Kung ang kasing sikat ni Pacman ay pagbibintangan na hindi nagbabayad ng ayon sa batas, masama ang epekto nito sa kampanya ng gobyerno para sa tamang pangongolekta ng buwis.


Ang buwis ay mahalaga sa bayan.

Nakalulungkot na nababahiran ng duda at dungis ang pera natin mula sa buwis pero hindi natin puwedeng hindi galangin ang batas sa tamang pagbabayad at tamang koleksyon ng buwis.


Hindi nga ba at maging ang ilan sa mga international donor natin ng relief goods para sa Yolanda ay kinailangan ding magbayad ng isang klase ng buwis na ayon sa isinasaad ng batas?


Sa huli, walang kinalaman ang isyu ng kaso ng Pambansang Kamao sa BIR sa kanyang imahe bilang bayani.


Walang kinalaman ang pera niya, na hinahabol ng BIR ngayon, sa kanyang naging kontribusyon sa pagbangon ng bayan mula sa pagkakalugmok dulot ng bagyo at lindol.


Maayos na sana agad ang isyung ito para sa kapakinabangan ng lahat.


The post SINUNTOK DAW? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SINUNTOK DAW?


No comments:

Post a Comment