Thursday, November 28, 2013

Overpricing sa Tacloban market agad aaksyunan

PLANO ng lokal na pamahalaan ng Tacloban na makipagpulong sa mga negosyante sa public market ng lungsod na nagbebenta ng halos dobleng presyo o overpricing sa mga pangunahing produkto.


Kasunod na rin ito ng report at reklamo ng mga mamimili sa lungsod na masyadong mataas ang presyo ng bilihin lalo na ang isda at karne.


Sa panayam kay Vice Mayor Jerry Yaokasin, nabatid na napag-usapan ng mga opisyal ng lungsod na agad aksyunan ang naturang problema na lalo lamang aniyang magpapahirap sa sitwasyon ng survivors sa super typhoon Yolanda.


Ayon kay Yaokasin, papaalalahanan nito ang vendors sa merkado na huwag samantalahin ang sitwasyon kung saan walang sapat na suplay ng pagkain, at iba pang goods na dulot ng labis na pinsala ng bagyo.


Tiniyak din ng opisyal na nakahanda ang lokal na opisyal ng lungsod na magpatupad ng parusa sa sinumang magpapatuloy na lalabag sa kautusan.


Napag-alaman na talamak din sa merkado ang pagbebenta ng mga paninda na galing lamang sa mga nanakaw mula sa mga nasirang mga establishment.


The post Overpricing sa Tacloban market agad aaksyunan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Overpricing sa Tacloban market agad aaksyunan


No comments:

Post a Comment