Thursday, November 28, 2013

Salvage victim napulot na naman sa QC

ISA na namang salvage victim ang ikinalat sa bangketa sa Quezon City kagabi, Nobyembre 29.


Ang hindi nakikilalang lalaki na nakasuot lamang ng maong pants ay inilarawang 23-25 anyos at may tattoo na ‘Trigger’ sa katawan.


Blangko pa ang QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang nasa likod ng krimen pero isa sa sinisilip sa pagpatay ay mga miyembro ng vigilante group na ang adhikain ay limasin ang masasamang loob sa lungsod.


Sa ulat natagpuan ang bangkay alas-10:15 kagabi sa Bonifacio St., Barangay Norberto Amoranto, Q.C.


Bago ito, nakatanggap ng tawag ang mga barangay tanod sa lugar na may nakahigang lalaki sa tabi ng bangketa sa nasabing kalye.


Sa pag-aakalang lasing lamang, itinihaya ng barangay tanod na si Abraham Agustin ang biktima at saka lamang nalaman na patay na ito.


May malalim na marka ng pagkakasakal sa leeg ang biktima na pinaniniwalaang itinapon sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.


Ito ang pangalawang pagtapon ng salvage victim sa lugar.


The post Salvage victim napulot na naman sa QC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Salvage victim napulot na naman sa QC


No comments:

Post a Comment