Thursday, November 28, 2013

9-oras na brownout sa Isabela

Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng siyam na oras na brownout bukas, Nobyembre 29, na makaaapekto sa anim na bayan sa Isabela.


Mawawalan ng kuryente mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa mga bayan ng Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Quezon at Quirino.



Sa isang pahayag, sinabi ni Lilibeth Gaydowen, communications and public affairs officer ng North Luzon Corp., na maaapektuhan ng shutdown ang mga transmission facility sa bahagi ng Isabela Electric Cooperative II (ISELCO II). – Liezle Basa Iñigo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



9-oras na brownout sa Isabela


No comments:

Post a Comment