Saturday, November 30, 2013

KUMAPIT SA PANGINOON

“To us Christians faith in God has been taught since childhood by our parents. It is a belief or trust on things that we don’t see.” – Anonymous


Narito ang isang istorya ng dalagitang sumagip sa pagkakaligaw ng kanyang ama.


Nabalitaan ni Dulce na ang kanyang amang si Mario ay may kinalolokohang batang hostess sa isang beer garden.



Isang araw ay hindi pumasok si Dulce sa klase. Sinundan niya ang kanyang ama paglabas nito sa opisina.


Noon dinay dinala sa ospital ang ina ni Dulce, si Belen, pagkat nahihirapan itong huminga.


Matindi ang pulmonya na dumapo kay Belen. Namalantsa noon si Belen nang abutan siya ng malakas na ulan. At dalawang linggo na hindi niya pinansin ang kanyang ubo at lagnat. Patuloy pa rin ang paglalaba niya sa mga kapitbahay.


Kaya’t nang gabing iyon na nasa ospital ang kanyang ina pagkatapos niyang dalhan ito ng mga gamit ay pinatulog ni Dulce ang kanyang tatlong maliliit ng kapatid.


Maganda si Dulce, malimit siyang maging Santa Elena sa kanilang lugar. Maputi siyang dalagita sa mga anak ni Mario.


Buong tapang na nagtungo si Dulce sa beer garden at nagpresinta siya na magtrabaho roon. Pinagkaguluhan si Dulce ng mga naroong lalaki.


Sa isang sulok ng beer garden ay namataan ni Mario ang magandang dalagitang kayganda ng katawan at puno ng make-up ang mukha.


Muntik nang hindi makilalani Mario si Dulce, ang kanyang anak.


Mabilis ang mga naganap na pangyayari. Nailabas agad ni Mario sa beer house ang anak. Ngunit hindi niya kinagalitan si Dulce pagkat ang wika agad ng dalagita sa kanya:


“Papa, nasa ospital si Mama.”


Sapat na ang ginawa at ang sinabi ng kanyang anak upang magising siya sa kanyang pagkaligaw.


Kumapit na simula noon si Mario sa Panginoon. Kailangan niya nag tulong ng Poon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KUMAPIT SA PANGINOON


No comments:

Post a Comment