SA gitna ng lahat ng mga kagila-gilalas na nangyayaring kalamidad na nararanasan ng ating bansa. Iniabot ni Dr. James G. Dy ang kanyang kamay upang makatulong sa mga nasalanta nating mga kababayan.
Kasama rin sina Ramon Tulfo ng Good Samaritan Foundation Inc., St. Lukes Foundation at ang Philippine Chinese Charitable Assn. Inc (PCCAI), na siyang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC ) sa pakikiisa ng Filipino-Chinese General Chamber of Commerce, Inc., (FCGCCI), United Daily News at ang Philippine Red Cross.
Silang lahat ay nagsama-sama para sa iisang layunin at mithiin “One Objective One Goal,” na may misyon na tingnan at tulungan ang mga kababayan natin na dumaranas ng kalungkutan at kabiguan sa buhay.
Ito’y lalong-lalo na sa mga kababayan nating naging biktima ng mapanirang bagyong Yolanda, partikular sa probinsya ng Leyte, higit sa lahat sa Tacloban, gayundin sa Palo, San Miguel at Guiuan.
Alam din natin, na ang Philippine Chinese Charitable Association Inc. (PCCAI) ay isang aktibong samahan na pinangungunahan ng kanyang Pangulo, Dr. James G. Dy.
Ang tatlong organisasyon ay nagdala ng tulong sa mga taong sinalanta sa mga apektadong lugar, tulad ng pagpapadala ng 30 doktor mula sa Chinese General Hospital and Medical Center at St. Luke’s hospital.
Ang Littman Drug Corporation at si Mr. Julius Limpe ay nagbigay ng gamot at suplay ng tubig, si Dr. James G. Dy, kilala sa pagkakaroon ng napakabuting kalooban para sa mga taong kapus-palad, katuwang si Dr. Robert Sy, CGHMC Associate Medical Director, Deputy Administrator Che-che Jiongco, Dr. Carlos Lu at Dr. Jaime Cruz sa pagbibigay ng kanilang serbisyo at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
The post DR. JAMES DY NAGHATID NG PAG-ASA SA MGA SINALANTA NG DELUBYONG YOLANDA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment