Saturday, November 30, 2013

Banta sa buhay ‘di basehan para magkaroon ng de-kalibreng baril

TAHASANG ipinahayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi basehan o ikatwiran ang pagkakaroon ng banta sa buhay para mag-ingat ng napakaraming mga matataas na kalibre ng armas.


Ayon kay S/Insp. Ryan Manongdo, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, Ito’y kaugnay sa pag-aresto sa alkalde ng Urbiztondo na si Mayor Ernesto Balolong na iniimbestigahan na sa ngayon ng NBI ang kaso sa pagkakaaresto dahil nahulihan siya ng maraming baril.


Sinabi ni Manongdo, kung talagang mayroong banta sa buhay ng alkalde ay kailangan nitong umupa ng security guards upang pangalagaan ang kanyang seguridad at hindi bumili ng napakaraming baril.


Paliwanag ng PNP sa mga taong may banta sa buhay na ipagbigay alam ito sa PNP para mapangalagaan ang kanilang buhay.


The post Banta sa buhay ‘di basehan para magkaroon ng de-kalibreng baril appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Banta sa buhay ‘di basehan para magkaroon ng de-kalibreng baril


No comments:

Post a Comment