BLOCKBUSTER ang “Perfect10″ concert ni Sarah Geronimo sa Smart-Araneta Coliseum last November 15. Pero itong repeat concert niya sa SM MOA Arena kagabi, November 30 ay nasa 80 porsiyento lamang umano ang pumasok na tao kasama na roon ang may mga libreng ticket na hawak mula sa mga sponsor.
Posibleng naumay na ang tao o nanghinayang sa gastos kaya hindi na sila nagpunta ng MOA. Hindi rin sapat ang mga fan ni Sarah na galing south dahil may kalayuan pa rin ang lugar mula Cavite at mga karatig-bayan. Ang bulto ng mga tagahanga ng Popstar Princess ay nagmumula pa rin sa Metro Manila na malayo na sa venue.
Mukhang naunsiyami at hindi nagtuloy-tuloy ang pagsubi ni Vic del Rosario ng kita mula sa kanyang numero unong talent.
***
DAHIL LUGI, TV NETWORK TITIGIL NA SA PAG-PRODUCE NG TELESERYE
TITIGIL na umano sa paggawa ng teleserye ang TV network dahil sa pagkalugi. Nasubukan na umano nila ang mga big star na bigyan ng serye pero hindi kumita. Kahit ang pinakamagagaling na artistang datihan at baguhan ay pinagsama nila sa isang proyekto ay wa’ epek pa rin. Meron pa silang eksperimentong proyekto kung saan gumawa sila ng sexy series-kombinasyon ng seksing mga babae at lalaki ngunit talagang malas sila, hindi man lang nila nabawi ang kanilang puhunan. Maging ang palabas nilang action at horror series ay bagsak din sa rating. Mabuti pa raw ang mga pelikula kahit paulit-ulit nilang pinapalabas ay may ROI o return of investment.
GMA BLOCKBUSTERS WEEKDAY EDITION SIMULA NGAYONG LUNES
SIMULA ngayong Lunes (Disyembre 2), magbabago na ang paboritong weekday habit dahil ipapalabas na ang mga paboritong pelikula sa GMA Blockbusters Weekday Edition.Sa pagtatapos ng Pyra: Ang Babaeng Apoy at Fabulous Boys, kiligin, matakot, at makisaya sa mga pelikulang handog ng Kapuso network. Sisimulan nito ang romantic-comedy film ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Aga Muhlach na Of All The Things.
Pagdating ng Martes, mapapanood naman ang nakaaantig na pelikula ng Diamond Star Maricel Soriano na Inang Yaya. Kwento ito ng isang yaya na kinailangang pumili sa pagitan ng kanyang anak at ng kanyang alaga.
Susundan ito ng Happy Hearts sa Miyerkules at ang horror-thriller na Tiyanaks naman pagdating ng Huwebes kung saan tampok ang Kapuso leading lady Jennylyn Mercado at ang Ultimate Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras.
Hindi rin dapat palampasin ang pagpapalabas ng internationally-released psycho-thriller movie ng GMA Films na The Road. Mula sa direksyon ni Yam Laranas, kasama sa pelikula ang mga Kapuso star na sina Rhian Ramos, Louise delos Reyes, Barbie Forteza, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, TJ Trinidad, at Alden Richards.
Abangan ang mga bagong tututukan tuwing hapon sa GMA Blockbusters Weekday Edition simula Lunes pagkatapos ng Magkano Ba Ang Pag-ibig sa GMA.
***
For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Naumay o nanghinayang na sa gastos ang mga otaw… Repeat concert ni Sarah sa MOA nilangaw na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment