Friday, November 29, 2013

Sa puntod ng erpats natutulog at doon nag-iiiyak!

KALOKA pala ang drama ng aktor na nag-aaksyon din at kontrabida sa kanyang mga pelikula at kahit sa mga teleserye.


Napapadalas kasi ngayon ang pagbisita niya sa puntod ng kanyang yumaong ama na isa ring sikat na action star.


Mismong mga security guard ng nasabing puntod na kinatitirikan ng kanyang ama ang nag-chika sa amin na madalas nga raw na napapagawi ang aktor na ito na pamilyado na rin sa puntod ng kanyang ama.


Kung minsan daw ay madaling-araw na kung pumunta ang aktor na ang drama’y ru’n yata siya natutulog sa puntod ng kanynag father at todong nag-iiyak.


Bakit kaya? Hanggang ngayon kaya ay hindi parin maka-move on at matanggap ng nasabing aktor na wala na ang kanyang papa action star dahil parang nabubulahaw na yata ang ibang mga patay sa nasambit na himlayan sa todong pag-iyak ng aktor.


Teka lang, hindi kaya napapraning na ang aktor na ito dahil noon pa mang kanyang kasikatan kasama pa ang dalawang gwapong mga bagets din na nakapanabayan niya sa showbiz ay balitang-balita na ang pagte-take ng sari-saring drugs ng aktor.


Mabuti na nga lang noon at naagapan ng kanyang papa kaya ito pansamantalang tumigil sa pagdodroga pero ang haka-haka sa ngayon, parang binabalikan na yata ng aktor ang dati niyang bisyo (drugs).


Kunsabagay, ginagawa lang sigurong libangan ng naturang aktor ang pagda-drugs dahil sa wala nga siyang ginagawang proyekto sa ngayon mapapelikula man o teleserye sa GMA 7.

‘Yan ang clue.


Sana naman kahit wala na ang kanyang papa ay masubaybayan pa rin siya o mai-guide nang tama ng kanyang mother na isa ring aktres at nakilala sa husay niyang magsayaw na nakapangasawa rati ng mayor sa Parañaque at isang mayor na muslim.


Sayang naman si aktor. Bata, gwapo at pamilyado na rin ito kung tuluyan lamang na masisira siya sa drugs.


@@@


DYUSKO ‘day! Basahin mo ang blind item na ito. Kaloka kasi ang drama ng maganda’t matalino na aktres na ito na nagmula sa angkan ng pamilyang mayaman at nag-aartista rin. Parehong sikat ang parents ng aktres na ito na kuning-kuning ay sa ibang bansa pa nag-aral.


Ang drama kasi ng aktres na ito, sa tuwing inaabot siya ng kanyang kakatihan, nagpupunta siya sa mga bar at kapag may natipuhan, todo itong naglalasing at kapag lango na sa alak, magdadrama ito sa kanyang mga katabi na nahihilo na siya at gusto na niyang umuwi pero ‘di raw siya makapag-drive.


Siyempre, ang mga pogi sa bar ay magkakainteres talaga dahil sa maganda, matalino at sikat na rin. Kaya ang ilan sa kanila ay mega offer para maghatid sa housing ni aktres.

Pero may ibang motibo nga si aktres.


Ito na, habang nasa car daw ng hitaders, wala siyang kiber na magpasilip ng kanyang puday este ka-sexy-han pala, na animoy sinasadya talagang akitin ang guy na nagmagandang loob na ihatid siya.


Pero asan ka, another drama ng aktres na sa hotel na lang siya magpapahatid at magpapalipas ng umaga dahil sa kuning-kuning natatakot daw siyang malaman ng kanyang mother na lasing na naman siyang umuwi ng madaling araw.


Siyempre bongga ang dahilan ng hitad at nakararamdam ng idea ang lalaki na para ngang may kakaibang feelings sa kanya ang aktres dahil sa mistulang acrobat na bumubuka-bukaka na ito sa loob ng sasakyan kaya naman ang guy ay naeelya na rin sa naturang aktres.


At sa halip na ihatid nga sa bahay ang nasambit na aktres ay ididiretso ito sa hotel para roon na nga raw magpalipas ng umaga at kapag nasa hotel na si aktres kasama ‘yung nagmagandang loob sa kanya na ihatid ay roon na nagaganap ang dapat na maganap.


Kaya ang gwapong si driver na naghatid kay aktres ay super kwento sa kanyang mga barkada dahil nga jackpot naman siya talaga sa aktres na ito na bata, maganda matalino at sikat na rin kaya sino ba namang lalaki ang hindi mahuhumaling lalo na’t mistulang nag-a-acrobat o nagpi-pictorial sa ginagawa niyang mga posing ang aktres na ito sa loob ng kotse.


@@@


KAKAALIW ang mga otoko sa White Bird sa may Roxas Boulevard sa Baclaran. Ang titindi ng show kaya naman ang daming addicted na mga customer. Hahahahahahahaha!


Kaya roon sa mga nalulungkot at malamig ang kanilang Pasko, go na sa White Bird dahil siguradong mapupunuan ang inyong mga pagnanasa kapag napanood n’yo ang big events this December sa White Bird.


Hindi siyempre mawawala ang anino sa dilim at kapaan sa dilim na paboritong segment ng isang actress/singer sa White Bird.


Paano kasi, wala talagang kiyemeng magtalop sa harapan ng mga parokyano ng White Bird ang mga gwapong otoko na ito.


Imagine, sila mismo ang kumukuha ng kamay ng mga paborito nilang mga parokyano para ipahimas ang kanilang mga nota nang libre.


Ang sarap-sarap talaga, ‘di ba?


The post Sa puntod ng erpats natutulog at doon nag-iiiyak! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sa puntod ng erpats natutulog at doon nag-iiiyak!


No comments:

Post a Comment